read the printed word!

Sunday, May 29, 2011

Lunes 'Takte

[o]

"Naku na naman!", yan ang aking nabigkas nang makita ko ang pay slip. Alam ko na kung bakit parang kulang ang sweldong pumasok sa ey-ti-em. "Yari sila sa akin!" pag ganitong nagmahal ang ensaymada sa paborito kong tindahan eh wag silang sasagot ng pabalang.

Pagdating ko sa opisina ng akawnting hindi nga nila ako sinagot ng pabalang. Inunahan na kaagad ako ng salita ng ulo ng mga maling magkompyut.

"Oh John... I am really sorry. We failed to add this and that to the computation of your salary for this month. I-add na lang namin sa sunod na pay period mo."

Alam na pala nila na may issue ang sweldo. Di man lang ako mainform through email o kahit ano pa at nang hindi na iinit ang ulo ko. Pinagod pa ko ng paglakad punta sa opisina nila.

Tapos sasabihin sa kin na i-add na lang para sa next payroll. E pano ang mga bills ko na dapat bayaran ko ngayon? Nak nang tipaklong.

"Can't you credit it to my account right away? I need them now for my bills."

Wala rin. Pasensya na raw, talaga lang na busy sila ngayon. Dito ako nabagot dahil nung papasok ako kita ko ang isa nilang staff na naka-open ang fb. Pero I stayed cool. May araw din kayo.

To make it short sa susunod na payout na lang raw yung kulang sa sweldo na pinaghirapan ko. Hindi ko alam kung pano pa nagkakamali ang computation e kompyuter na nga ang nagkokompyut para sa kanila. Tamad lang talaga ang mga tinamaan ng magaling!

Pagbaba ko sa aking munting sulok sa opisina. Nakita ko ang network switch. Port number 17, may label na accounting.



Ay naku nahugot bigla!!! (grin)

Wala pang isang minuto. Nag-ring ang telepono sa tabi ko. Si Ms pa-ingil-inglis ang nasa linya.

"John we lost our internet connection... can you help us please?"

"Mam sa sunod na pay period na lang rin po, pwede?"

Read more magtiblogz
[o]

6 comments:

JC said...

hahahaha!! you can't do that! kawawa ang SLA at reports, month end ngayon at alam ko ang trabaho sa accounting pag ganitong mga araw!

you made me laugh..

P.S. ba't di mo pa hinugot lahat para mas masaya.

Gone to the John said...

hahah, okay na po ang connection nila hehehhe :P

bulakbolero.sg said...

ang kulet neto.

eto yung latest version nung sa waiter at reklamador na customer. wahaha. kumbaga sa waiter pag may nagreklamo sa kanya lalagyan ng kung anu ano yung fud. e dahil nasa teki generation na tayo e tanggalan na ng connection.

Gone to the John said...

hahahah! salamat sa pagbasa bulakbulero ng SG!

bloggingpuyat said...

hahaha.. nakabawi ka agad :D

Whang said...

wagas ang tawa ko sa ginawa mo ah!!! lol

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...