read the printed word!

Sunday, June 12, 2011

MUNTING PAKULO 3 Mula sa Walang Humpay na Damuhan

[o]

Ngayong nagkakaubusan na ng IP Address, aba ay hindi biro biro ang makatisod ng isang domain name na libreng magagamit sa loob ng tatlong taon. Lalong suwerte kung ito ay manggagaling sa isang Damuhan. Aba'y dyakpat!

Buong sigasig kong ipopost ito sapagkat sa pagpopost nito ay magkakaroon ako ng isang karagdagang "entry" sa munting pakulo ng ating kasamahang blogger from the grasslands sa pagdiriwang niya ng kanyang ikatlong taon sa blogosphere. Ang unang entry ay nakuha ko sa pamamagitan lang ng paglalagay ng comment sa kanyang original post patungkol dito sa pakulo na ito.

Kung ikaw ay blogger at nais mong makatisod ng datcom o kaya datnet o kaya datpi-eytsh o kaya kahit anong may dat, that blog is where you should go and at magkomento.

Eto ulet ang link : Pakulo sa Damuhan

Dos puntos para mi! :D

Congratulations ulet sa mga taga-Damuhan!

[0]

May Nag-Text!!



[o]

May Nag-Text!!??????

Hindi ito galing sa isang palabas sa telebisyon na hindi ko na lang babanggitin ang pangalan.

Galing ito sa butihing company nurse namin nang may matanggap silang teksto (text nga, slow!) mula sa isang empleyado. Kaagad na naging viral ang kwento uko sa nabanggit na text. Ang bilis kumalat eheheh. Hindi na binaggit pa kung sino ang nagpadala ng mensahe for privacy purposes nga naman. Pero talagang nakakapagpa-smile na merong empleyado na magpapadala ng ganitong message nung lumalakas ang bagyong Dodong.

Here goes:



Sa katotohanan, wala naman talagang masama sa ginawa ng ating kasamahan sa trabaho. Nagtatanong lang 'ika nga.

Mas nakakatuwa ang sagot nila sa nagtext...

"Ahhmmm.. Sino nga pala ulit class adviser mo?"

Hehehe! YUNA!

[o]

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...