read the printed word!

Tuesday, June 14, 2011

No Littering Please



[o]

Enjoy kami ni Misis nung tahakin namin ang Bulkang Pinatubo may dalawang Linggo na ang nakararaan. Isang hindi matatawarang karanasan ang makadaupang palad ang isang pagkaganda-gandang lawa sa taas ng bundok na siya ring bunganga ng mismong bulkan na nagdulot ng sobrang sakuna at pighati noong nakaraang siglo hindi lamang sa mga mamamayan ng Gitnang Luzon kung hindi pati na rin sa buong mundo. Sinasabing ang pagsabog ng bulkang Pinatubo ay isang napakalaking penomena na nagpabilis ng pagbutas sa Ozone Layer na siya namang may kinalaman sa malawakang pagbabago ng klima sa daigdig.

Hindi ako yosi-boy, tanging utot ko lamang ang aking kontribusyon sa lumalalang polusyon sa hangin. Kung magbabackread kayo, ang adbokasiya ko pa nga ay isang smoke-free na society. Hindi rin ako nagda-drive so wala akong kotseng nagpapadilim ng EDSA. Buti na lamang at wala akong pambili ng kotse.

Hindi ako sobrang panatikong malinis na malinis. Inaamin ko na nakakapagtapon ako ng basura sa kung saan-saan pero gaya nang aking asawa pinipilit ko na rin na gayahin ang ibang bansang may disiplina sa mga maliliit na basura tulad ng balat ng candy o wrapper ng kung anu mang pagkain sa pamamagitan ng pansumandaling paglalagay muna ng mga ito sa bulsa o sa bag bago itapon kapag may nakitang basurahan.

Sa akin lang may mga lugar na mas mataas ang libel ng "awareness" dapat natin pagdating sa pagkakalat at pagsasawalang-bahala ganitong gawain.

Isa sa mga nakita kong paalala nung pag-akyat namin sa Pinatubo ay ang karatulang ito:



Isang karapat-dapat na paalala sa isang lugar na birhen sa kadalisayan. Pero sa ka katunayan, hindi na dapat kailangan pang maglagay ng kagayang babala sa lugar na ito dahil sentido kumon naman na dapat lang na huwag magtapon ng basura nang basta-basta na lamang lalo na at makakasira ito sa sa natural na balanse ng kapaligiran.

Masakit mang isipin. Ito ay hindi ang karaniwang kalakaran.

Mas masakit isipin kung ang nakita mong nag-iwan ng dumi sa isang lugar na gaya ng lawa sa Pinatubo ay isang kasamahan sa pagsusulat sa internet. Kung paanong pinuri at inadhika na huwag sanang mawala ang ganda ng ngayon ay nananahimik na Pinatubo sa mga sinusulat ay siya namang bilis ng pagkalimot sa pansariling responsibilidad na maging ehemplo sa iba na nagnanais na marating rin ang lugar. Kung ganito-nang ganito, baka paglalaon ay mawalan ng magandang maisusulat tungkol sa lugar ang ibang blogger na duon ay pupunta dahil natambakan na ito ng basura.

Ako ba ay nanininisi? Hindi naman, nataymingan lang na may napindot ang aking pagka-nature lover. Tuwang tuwa pa nga kami ng aking butihing asawa na pulutin at ilagay sa likod ng aking bag ang mga botelyang iniwan o hindi sinasadyang naiwan sa lugar at sa landas palabas ng Pinatubo. Nakarami rin kami ni es-mi. Gaya nang nakalagay sa kanang gilid ng blog na ito, Prawd na Pinoy kami nung mga oras na iyon. Feel na feel namin ang pagiging one with nature namin hehe. HHWW pa nga kami ni misis habang naglalakad while cramping on the side.

Sana lang sa next time at ito ay habang meron pang next time, inumin na rin ang bote kung kakalimutan din lang. Joke pero seryoso.

Salamat...


[o]

7 comments:

bulakbolero.sg said...

bilang mountaineer, sumusunod ako sa leave no trace policy ng mamumundok.

take nothing but pictures
leave nothing but footprints
kill nothing but time.

humahanga ako sa pagkanature lover mo ser. saludo si bulakbolero sa mga taong kagaya mo. \m/

Gone to the John said...

hindi naman ako ganun ka nature lover boss, liver lover lang hehe.. trip trip rin lang ang pagpunta namin sa mga lugar gaya ng pinatubo.. pero kahit di naman talaga ako ganun kapusakal na mangangakyat, aware pa rin dapat lalo na sa kalat... salamat sa muling pagbasa bulakbolero... mabuhay ka! :)

Aya Empeo said...

unang una naiinggit ako sayo dahil nakapunta ka sa Pinatubo.

Nakakinis ang mga taong tapon ng tapon kung saan saan lalo na ung mga, sorry for the word, tanga na alam mo un nakapaskil na wag magtapon pero tatapon pa rin.

Gone to the John said...

hehe kahit ako eh naiinggit pa rin sa mga taong may oras ulet para pumunta dun sa mga susunod na araw.. :D gusto ko umulit...

salamat sa pagbisita Lululumeo...

bloggingpuyat said...

pro nature, go green! kailangan ng mga taong tulad mo ser. :)

Anonymous said...

hindi nga dapat gawing basurahan ang kalikasan. naniniwala ako dito. highschool pa lang miyembro na ko ng ecowaste management at talagang seryoso kami sa mga paulit ulit na paglilinis sa mga ilog

Gone to the John said...

@ bloggingpuyat kailangan tayong lahat dito boss hehe... salamat sa pagtawid dito kahit puyat ka :)

@ arvin, magandang malaman na seryoso kyo dito, mabuhay kayo! salamat rin sa pagbisita...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...