Wednesday, September 5, 2012

The Adventures of Mang Mags (Ala Eh Story)

The Adventures of Mang Mags 


Sa isang restaurant sa Eastwood, Libis. 

Mang Mags: Waiter! Bigyan mo nga akong isang kanin,chicken at saka pasibol? 

Waiter: Sir, ano po yung pasibol? 

Mang Mags: Utoy, pasibol ga'y di mo alam? Ang pasibol utoy ay ayung parang mga maliit na ulo-ulo pero kulay dilaw. Mas kapiranggot nga laang ng kaunti. 

Waiter: Sori po. Di ko po naiintindihan. Ulo po ng ano yun? 

Mang Mags: Ah ay di ika'y di nakain ng pasibol? Ay pag sa sarap nuon pag nakababar sa suka. Tatanungin mo ako kung anung ulo-ulo? Ay di tadpol! Ay kainaman naman eh. Gusto pa'y iniinglis. Sino gang ekspert diyan sa inyo sa pagkain at siya kung kakausapin. Wala ka namang kabunasang kausap eh.

Waiter: Sandali po. Tatawagin ko ho si Chef. 

Mang Mags: Ingles ka pa eh, bisaya ka naman pala. Chief utoy, chief. Hindi Chef. 

Waiter: Hindi po Chef po. 

Mang Mags: Wag ka nang magyangor at tawagin mo na laang si Chief. 

Chef: Yes sir. How can I help you? 

Narine ang pasibol!!! 
Photo above is not mine. Found the photo from this site. 

Mang Mags: Ay Iyan! Gay-an ang mga gusto kong kaabat. Alam mo hepe, kaya ako dine nagpakapasok-pasok ay gusto kong kumain ng pasibol. Ay hindi naiintindihan ng iyong witer na iyah. 

Chef: We really apologize. Ano po ba ang pasibol? 

Mang Mags: Ay juskupow rudy! Ulo-ulo nga!!? Iyong beybing palaka!!!? Maalam ka ga sa science? Alam mo ang druwing ng sperm? Ayong parang gay-on?!?!? Ay tawarin naman eh. Ay ayaw ko na. Kayo namay gay-an. Tanggal tanggal nga iyang iyong sambalilong iyah. Kita mo nang kadaming nakain eh, ika'y nakagay-an pa?!?!! Ang pagkabastyan mo ga!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...