read the printed word!

Tuesday, June 21, 2011

Latest Noose (Pinakahuling Balita)

[o]

Hindi ko alam kung matatawa, maiinis o maghuhurumentado ako. Muntik na akong kumuha ng malaking "gulok" at maghamon ng away. Tulo sipon kase habang nagbabasa ng dyaryo.

Hindi ko sinasadya pero habang kinakalikot ko ang ilong ko kasama si Gugol natisod ko ito. Makabasa ka ba naman ng balitang gaya nito:



Old news na pero plakda pa rin ako ng aking mabasa. Take note of the date na lang po. September 11, 2011. Hindi ko ito nabalitaan kase malamang busy ako sa World Trade pero kung wala yun, ito na siguro ang pinakamalaking balita sa TV nung araw na yun. Aba eh kahit ang mga terorista nung mga araw na iyon hindi gagawin ang ginawa ni Boy Salisi eh.

So dahil napunta na lang rin ako sa dyaryong nakasulat sa itaas, nagbasa na ako ng balita. Eto ang sa akin ay bumulaga:




Sabi nga sa amin sa Batangas, "Nagpa-uyuhan pa eh!". Eh pare-pareho naman sila. Matindi rin tong si Pareng JV, nakalimutan na nung panahon ni tatay niya ay naging OTSENTA PETOT ang halaga ng kada ISANG DOLLAR. Grrrrrrr!

Isa pa. Wala na yatang magandang balita dito sa Pilipinas. Sa laki-laki ng country side eh ito lang ang balita:



Kung hindi may napisak eh may bulagta. Jung walang bulagta ay may dedo. Pag hindi dedo, ayan at sugatan. At saan pa ba matatapos e di sa dun sa nasuwag ng kalabaw.

Sobrang positive na mga balita, hano!

Ang masama nito ay yung balitang nakakalito. Di ko tuloy malaman kung "factual" pa ba na news ang binabasa ko. Tingnan nyo ang sunod na tatlong imahe.

Nagtaka ako kase parang de javu ang nangyaring aksidente.




So binasa ko yung sa Batangas. Aba naman at may bayan pala ng Limay sa aking probinsyang sinilangan? Ano ito?




Naisip ko may pagakakamali lang sa artikulo sa itaas, at naisip ko na ang nasa baba ay ang corrected version. Kaya nga at pinalitan na ang title.





Nyay, kinorek na mali pa rin? Panawagan kay Vilma, Gob pakihanap po ng Limay sa Batangas. Pandagdag din sa botante.

Mag-apply kaya ako na proof reader sa dyaryo. Baka kahit papano ay hindi malilito ang mga tao.

Ito ang problema sa mundong ating ginagalawan sa kasalukuyan. Isang mundong kontrolado at pinapatakbo ng media. Walang paraan kung paano maihihiwalay ang katotohanan sa gawa-gawa lamang.

Minsan pa naman mas maraming stupid.

Na-curious tuloy ako. Hindi kaya at ang mga balitang ito ay patibong lang ng Tsina. Para pag nagkagera dahil sa Spratlys, malilito ang mga Pilipino kung saan ba talaga ang Batangas at ang Bataan?

Gusto nyo ng ebidensya?



SINGWAHHHH!!!!?!?!??!


Kung bakit ba naman local news, kailangan pang import? Yan tuloy pirated! Tsk tsk tsk!


[o]

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...