read the printed word!

Sunday, June 12, 2011

May Nag-Text!!



[o]

May Nag-Text!!??????

Hindi ito galing sa isang palabas sa telebisyon na hindi ko na lang babanggitin ang pangalan.

Galing ito sa butihing company nurse namin nang may matanggap silang teksto (text nga, slow!) mula sa isang empleyado. Kaagad na naging viral ang kwento uko sa nabanggit na text. Ang bilis kumalat eheheh. Hindi na binaggit pa kung sino ang nagpadala ng mensahe for privacy purposes nga naman. Pero talagang nakakapagpa-smile na merong empleyado na magpapadala ng ganitong message nung lumalakas ang bagyong Dodong.

Here goes:



Sa katotohanan, wala naman talagang masama sa ginawa ng ating kasamahan sa trabaho. Nagtatanong lang 'ika nga.

Mas nakakatuwa ang sagot nila sa nagtext...

"Ahhmmm.. Sino nga pala ulit class adviser mo?"

Hehehe! YUNA!

[o]

Wednesday, June 8, 2011

'Going Shylock' with These Indonesians



[o]

What happened to another blogger and her friend in Indonesia simply is outrageous! No outrageous is not enough of a term. KARUMALDUMAL!!! VERY UNACCEPTABLE!!! If you have not read, seen or heard it in the news yet, here is her blog post.

I wonder how many other Filipinos get to be treated that way in Indonesia? This branding and profiling is not something that we Filipinos should just let pass. We have to do something about this.

As if some of their countrymen have not done the same!?!?!?! Our immigration guys caught one just recently. Her name is Media Aprideri. Read the full story here. And here is another story about three Indonesian drug mules caught in our country.

I say, go and treat them the same way. For every Indonesian that goes in and out. Subject them the same respect that they've subjected our countrymen. I know this maybe harsh and maybe I am being inhumane just like their immigration guys who can't even speak good English, but my temper is boiling as of the moment.


Ahhhhhhhh!


I know, i know, we should be diplomatic and all but at times we have to act and think as Shylock did:

To bait fish withal: if it feed nothing else, it will feed my revenge. He hath disgraced me, and hindered me half a million, laughed at my losses, mocked at my gains, scorned my nation, thwarted my bargains, cooled my friends, heated mine enemies; and what's his reason? I am a Jew. Hath not a Jew eyes? hath not a Jew hands, organs, dimensions, senses, affections, passions? fed with the same food, hurt with the same weapons, subject to the same diseases, healed by the same means, warmed and cooled by the same winter and summer, as a Christian is? If you prick us, do we not bleed? if you tickle us, do we not laugh? if you poison us, do we not die? and if you wrong us, shall we not revenge? If we are like you in the rest, we will resemble you in that. If a Jew wrong a Christian, what is his humility? Revenge! If a Christian wrong a Jew, what should his sufferance be by Christian example? Why, revenge! The villainy you teach me I will execute, and it shall go hard but I will better the instruction.

One thing is for sure, our government must do everything possible to ensure that this kind of profiling does not happen ever again to another Filipino!

[o]

REVELATOR ELEVATOR



[o]

Isang hindi payat na babae ang kasabay kong pumasok sa entrada ng gusaling aking pinapasukan. Siya ay hangos na hangos na animo'y talagang nagmamadali. Sumimangot pa sa sekyu nang pakiusapn siyang buksan ang dala-dala niyang bag na may baliktarang letrang C ang logo. Sabay satsat, "Tsk!"

Tagaktak ang pawis na maya't maya niyang pinupunasan ng panyolito, kasabay ko rin siyang naghintay sa isa sa pinakaimportante at walang kupas na imbensyon ng ikalabingsiyam na siglo... The Elevatorrrrr.

Panay ang tingin ng kasabay kong babae sa kanyang relos. At sa kada taas ng kaliwa niyang braso upang tingnan ang oras may tumutunog na "Tsk!". Halatang late na ang naturang paksa ng talatang ito. Makailang beses pa siyang tumingin sa relos niya na nung nagtagal ay para nang ritmo ng relos ang kada "Tsk!" niya.

Muntik ko na siyang tanungin, "Miss, isa ka bang butiki?".

Buti nakapagpigil ako kung hindi ay baka natamasa ko na ang bagsik ng mamahaling bag sa aking mukha. "At least Chanel", isip-isip ko na napapangiti.

Kapag medyo minamalas-malas lang tong si Ate, nagkataon na alas-nueve rin ang labasan ng mga nagtatrabaho sa mga call center na meron sa ikalima hanggang sa may ikalabing dalawang palapag ng building. Naturalmente pa, sobrang tagal ng pagbaba ng elevator.

Di ko rin alam kung bakit ganoon. Sa tuwina na lang na out-of-the-office at uwian na itong mga empleyado sa nasabing mga kumpanya, kailangang huminto ng elevator sa kada palapag.

Me pagkakataon pa na huminto ang elevator sa isang palapag pero walang sumakay nung makitang me lamang tatlong tao sa loob. Ayaw pa ng may sakay na iba? malaking abala sa buhay ng iba ang mga damuho.

Lesson that they should learn: Ang taxi po ay pahalang ang takbo at hindi akyat-manaog sa buildings.

Balik tayo kay Ate. Eto nga at inip na inip na siya. At sa wakas nagsalita rin siya nang salitang tao bagaman at may lizard slang pa rin sa hulihan. Gigil na gigil na si Ate.

(basahin mo ito na nanggigigil at malalaman mo ang itsura niya)

"Uhhhhhh ano baaaahhhh? Ang tagal namaaannnnn!!!" sabay "Tsk!"

May papikit-pikit pa ng mata. Naging kapansin-pansin na rin sa ibang naghihintay ang pagiging kakaiba ng pasensya ni Ate. Lahat nakatungo pero kita mong madalas pumapasyal ang mga mata sa nagdadabog na paa ni ate. Hindi ko alam kung kagaya ko silang mga tsismoso rin o nag-iingat lang sila at baka maapakan ng parang sibat na takong na suot nito.

At sa wakas matapos ang siguro ay may limang minuto naming paghihintay... "DING!"

Bumukas ang tarangkahan ng elevator na magdadala sa amin palapit sa langit. Maingay. Mukhang mga bagong gradweyt ang mga sakay. Inglisan nang inglisan.

Si Ate di na talaga makahintay, nagsimulang umabante. HARANG!!!

Wala siyang nagawa umurong ng konti. At pilang parang langgam na lumabas ang mga batang isip na ang akala sa elevator ay playground. Siksikan na nga nagtutulakan pa.

May isa pang palabas pero sugod na si Ate pagpasok at pumindot ng numero. Sumunod na rin lahat pagkatapos niya. Ako pinindot ko ang 13. Oo, sa malas na floor ako kumukuha ng suwerte.


Tsismosong mga mouse...


Sumarado ang pinto. Pero wala pang 3 segundo may tumunog na "DING!!!". Nakulili ang tenga ko.

"2nd floor pa lang ah...", sabi ng isip ko. Nagsalubong kilay at tiningnan ang mga kasabay.

Nak nang putahe! Si Ate!!!

Nagmarakulyo ang utak ko. Second Floor lang pala kung makagawa ng scandal sa baba!!! Sampung baitang lang meron ang hagdan manang!!!

May bumulong na kasabay sa elevator, "Kaya ka tumataba... Tamad!"

Haaaaay piece of mind...

[o]

Sunday, June 5, 2011

May SLR Ka Nga, Umuulan Naman

[o]

Taas ang kamay ng Guilty!!!

Malayo-layong lakaran ang nakaumang sa amin nang araw ng Sabado. Nilinis ang mga lente at pati ang body. Sinigurong nakahanda ang tripod. Napagpasyahan na ang dadalahin ay isang 70 - 300mm na zoom lens pang-ispat ng malalayo at mga hubo (FYI may mga katutubo sa pupuntahan kaya hubo, wag bosero ang isip) at ang makamandag na kit lens, the everlasting 18 - 55mm. At sa wakas magagamit ko na rin ang bagong biling generic na filter para maging mas ma-asul ang langit.

kaya lang, Nyemas! Hindi nakisama si mother of all mothers!

Makulimlim na kalangitan ang sumalubong sa amin. Nagkasya na lang na kuhaan ang naglalakihang 4x4 na sunod-sunod na na pumainlanlang sa hangin ang ingay ng mga makina.

May mga nadaanan kaming katutubong Aeta naglalakad mula sa hindi namin alam. Bigla na lang silang sumusulpot.

"San kaya sila nanggagaling?" tanong ng isang kalbong noon ko lang nakilala. Wala namang kabahayan sa lugar kaya kahit ako eh napaisip. Buti na lang me nagpaliwanag, sa ministop raw. Natawa kami lahat dito.

Walanghiya, ano nga kaya at me makita kaming Ministop sa gitna nang dating daluyan ng nag-aalimpuyong lahar? (Malamang alam nyo na kung saan ang aming destinasyon?)

Gaya nang aking nakagawian sa tuwinang napapapunta ako sa malalayong lugar at nakakita ng mga lokal na katutubong pinoy man o hindi, kinawayan ko ang mga Aeta sa aktong pang Ms Universe. At gaya rin ng inaasahan, kumaway rin sila na puno ng ngiti sa mga mata. Ganyan lahat ng mga tao sa napupuntahan kong lugar Pilipinas. Sarap talaga ng ngiti ng kapwa Pilipino.

Sayang di ko sila napiktyuran. Mabilis ang takbo ng sasakyan sa rough road na daan. Malaking ilog ba naman na galing sa bulkan. Hirap magfocus ang autofocus. Ilang beses ding nabunggo ang aking siko sa kanto ng nakahugpong na bakal.

Aaaahhhhhhhrgggggg!!! Walang kwenta.

At maya-maya pa, may tumama sa bandang kanang braso ko. Isa pa, isa pa, isa pa! pati sa mukha! Ratatatatatat! Ambus!

"Dapa!!!!", ang sigaw ng kasamahan ko na may dala ring baril (SLR baliw! di ako marahas!).

"Nakupo nayari na!"

Dakli kong inabot ang camera sa aking asawa na siyang malapit sa aking bag. Walang asul na langit na maasahan. Baka masira pa ang dalang kagamitan. Not worth risking lives. Walang pambili ng bagong SLR. Di pa bayad. Kasalukuyang pinatutubuan pa ni CiudadBanco.

Ganito ang panahon habang patuloy naming tinahak ang aming destinasyon. Hindi pa rin tumila ang ulan kahit sa trek portion na nang paglalakbay. Uulan, hihina nang ga-ambon. Hindi pa rin namin mailabas si butihing SLR.

Ang bigat ng damuhong gadyet, di naman magamit.

Sa kanan at kaliwa namin, nang-iinggit ang iba naming kasamahan. Buti pa ang point and shoot nila, pang - "come hell or high water, more picture much better!!!"

Me nang-asar pa, ano ngayon mga shooters? Barilan tayo!!! Haaysss! Sarap pukpukin ng traypod ng gago! Ngingiti pa na nakakaloko. :D

Buti na lang nung malapit na kami sa isa sa pinakamagagandang lugar sa Pilipinas, tumila at sumilay ang haring araw. Nagka-sunburn pa nga ako sa paliligo sa sa napakalamig at ma-asul na lawa. Pati ang langit nakisama, hinawi ang alapaap.

Kaya gaya nang inaasahan sa ganitong panahon. Patay ang naglason. Jumampshat ang mga mahihilig. Isinimpat ko ang aking mashinggan. Patay sila lahat. Pati ang point and shooters. Willing victims... Death by friendly fire.

Sarap! Wala lang sanang presyuran sa pag-upload at pag-tag ha. ;p

[o]
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...