read the printed word!
Showing posts with label Advocacy. Show all posts
Showing posts with label Advocacy. Show all posts

Tuesday, June 28, 2011

Boykot Raw



[o]

Napaisip ako sa dahil Spratlys. Medyo napukaw ang makabayang gilid ng aking puso kung baga. Kapag sumugod ang mga Tsino sa Pilipinas at sinakop tayo, sisiguruhin kong safe ang aking pamilya, pagkatapos hahanapin ko ang Chinese embassy at...

...pipiktyuran ko.

Hehe sensya na. Akala mo naman me magagawa ako. Eh humawak nga ng baril di ko magawa. Wala sa kabunasan ko ang karahasan. Maliban na lamang at ako ay sinukol saka lamang lalabas ang mala-asong ulol sa akin, mang-uunday ako ng kagat. Sisiguruhin kong baon ang gilagid ng pustiso kong three years old sa sinumang abutang Intsik na mang-aalipin sa atin.

Lamang eh hanggang ganun na lamang yun.

Kahit saan daanin ay napag-iwanan na tayo ng mga Tsino sa larangan ng pakikipag-away. Hindi lang sila may Jackie Chan, meron na rin silang Aircraft Carrier, Stealth Fighter, ICBMs, nuclear warheads, Army of hackers at milyon milyong sundalo.

Patay ang naglason pag nakipag one-on-one tayo sa kanila. Dun na lang sa bilang ng mga sundalo natin paktay na. As if mapapataob ng ating Rajah Humabon ang Chinese carrier. Sinabayan pa na merong mga Pilipinong ang turing yata sa tsina ay ang kanilang motherland. Kung makasipsip todo. Hindi lahat pero kasama na dito yung mga may dugong Intsik, mga gustong maging Intsik, mga militanteng may Amerika-lang-ang-demonyo atittude, at pati na rin ang mga komunistang rebeldeng pulpul na hanggang ngayon ay tago pa rin ng tago sa bundok na 'kala mo ay nasa dekada utsenta pa sila. Di nila matanggap na matagal nang pinatay ni Bernabe Buscayno si Kumander Dante.

Kahit ang Amerika, di natin maasahang tayo ay talagang tutulungan. Sa dami ba naman ng kanilang kalaban, bakit sila sasali sa isang digmaan na papatay sa kanilang pansariling interes at kapakanan?

Pinauso ni Joey Salceda ang Boycott China na konsepto. Napakahirap gawin, dahil sa ngayon nga lang tiningnan ko ang keyboard na aking pinagtitipaan, ang mouse na panggalaw ng cursor, ang monitor, ang suot na sapatos, ang door knob, ang armchair... Lahat gawang Tsina. Paano ko iboboykot ang tsina kung lahat ng gamit na kailangan natin gawa na sa kanila?



Nagpunta ako sa murang tindahan ng kung anu-ano na malapit sa bahay para sa mga suplay sa bahay. Ang hirap maghanap ng Made in the Philippines ang nakalagay. Hindi naman nakapagtataka kase yun nga mismong may ari ng grocery e ni hindi marunong magtagalog kase tsekwa din.

Isa lang ang nabili kong may malinaw na gawang Pilipinas na nakasulat, garbage bag pa. Yung walis tingting naman siguro gawa na dito sa atin no?

Nakapagtataka kung bakit hindi magawa ng mga Pilipino na mag-manufacture nung mga bagay na minamanufacture din ng Tsina. Hindi naman kailangang pirata rin ang gawin natin di ba? Kung sa bagay, pati nga bigas inaangkat na natin eh samantalang nandito sa atin ang International Rice Research Institute. Tayo na nga ma-kanin! (Dati)

Masakit isipin, pero ganito na ba kawalang-kwenta ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ngayon? Ganito ba kahina ang ating kakayahan na kailangan pa nating angkatin pati ang ating mga pampunas ng tumbong sa kubeta? Hindi kagandahan ang kalagayan ng edukasyon sa bansa ngayon pero hindi natin masasabing mahihina ang ating mga gradweyt. At lalong hindi naman siguro mas maganda ang mga kolehiyo sa Tsina para tayo mapag-iwanan. Hindi ba natin kayang gamitin ang kakayahan ng libo-libong matatalinong nagtatapos taun-taon? Ganun ba kabobo ang Pilipino? Maraming matalino pero bobo. Nu kaya yun? Never mind.

Ang hirap sa ating gobyerno eh parang pababayaan na lamang ang kanyang mga mamamayan na parating sa labas ng bansa na lang aasa ng trabaho at kabuhayan. Lahat tuloy ng magagaling nauubos at pumapalaot.

Bakit hindi simulan ng gobyerno na mag-ukol ng pananalapi para sa pansariling pagmamanufacture ng ating mga gamit? Maging self sufficient tayo. The hell with APEC and our other economic partners kuno. Sa mga partnership na yan, tayo lang naman parate ang talo.

Simulan kaya ng gobyerno kahit pabrika man lang ng casing ng computer. Tutal naman ipinagmamalaki nila na may program silang PPP. Eh kahit yun wala eh. Tapos go from there. Mouse. Keyboards. Ethernet cables. Yung mga tipong pwedeng isabay sa mga tindang gawang Tsina ni CD-R King. Isa-isa lang.

Pag ganun, tingin ko luluhod rin si Mao. At hindi na natin kailangan umasa kay Sam. Magsama sila.

Basta tayong mga Pinoy, maging matapat lang. At wag gawin ulit ang ginawa natin sa Intel na naging dahilan para lumipat na lang sila sa Tsina.

Mga kababayan, kung may opsyon rin lang, hanggat maaari Pilipino muna.



Ako nagsimula sa garbage bag. yari ka ngayon Chinese Bag Manufacturer. Malulugi ka sa akin. :D


[o]

Tuesday, June 14, 2011

No Littering Please



[o]

Enjoy kami ni Misis nung tahakin namin ang Bulkang Pinatubo may dalawang Linggo na ang nakararaan. Isang hindi matatawarang karanasan ang makadaupang palad ang isang pagkaganda-gandang lawa sa taas ng bundok na siya ring bunganga ng mismong bulkan na nagdulot ng sobrang sakuna at pighati noong nakaraang siglo hindi lamang sa mga mamamayan ng Gitnang Luzon kung hindi pati na rin sa buong mundo. Sinasabing ang pagsabog ng bulkang Pinatubo ay isang napakalaking penomena na nagpabilis ng pagbutas sa Ozone Layer na siya namang may kinalaman sa malawakang pagbabago ng klima sa daigdig.

Hindi ako yosi-boy, tanging utot ko lamang ang aking kontribusyon sa lumalalang polusyon sa hangin. Kung magbabackread kayo, ang adbokasiya ko pa nga ay isang smoke-free na society. Hindi rin ako nagda-drive so wala akong kotseng nagpapadilim ng EDSA. Buti na lamang at wala akong pambili ng kotse.

Hindi ako sobrang panatikong malinis na malinis. Inaamin ko na nakakapagtapon ako ng basura sa kung saan-saan pero gaya nang aking asawa pinipilit ko na rin na gayahin ang ibang bansang may disiplina sa mga maliliit na basura tulad ng balat ng candy o wrapper ng kung anu mang pagkain sa pamamagitan ng pansumandaling paglalagay muna ng mga ito sa bulsa o sa bag bago itapon kapag may nakitang basurahan.

Sa akin lang may mga lugar na mas mataas ang libel ng "awareness" dapat natin pagdating sa pagkakalat at pagsasawalang-bahala ganitong gawain.

Isa sa mga nakita kong paalala nung pag-akyat namin sa Pinatubo ay ang karatulang ito:



Isang karapat-dapat na paalala sa isang lugar na birhen sa kadalisayan. Pero sa ka katunayan, hindi na dapat kailangan pang maglagay ng kagayang babala sa lugar na ito dahil sentido kumon naman na dapat lang na huwag magtapon ng basura nang basta-basta na lamang lalo na at makakasira ito sa sa natural na balanse ng kapaligiran.

Masakit mang isipin. Ito ay hindi ang karaniwang kalakaran.

Mas masakit isipin kung ang nakita mong nag-iwan ng dumi sa isang lugar na gaya ng lawa sa Pinatubo ay isang kasamahan sa pagsusulat sa internet. Kung paanong pinuri at inadhika na huwag sanang mawala ang ganda ng ngayon ay nananahimik na Pinatubo sa mga sinusulat ay siya namang bilis ng pagkalimot sa pansariling responsibilidad na maging ehemplo sa iba na nagnanais na marating rin ang lugar. Kung ganito-nang ganito, baka paglalaon ay mawalan ng magandang maisusulat tungkol sa lugar ang ibang blogger na duon ay pupunta dahil natambakan na ito ng basura.

Ako ba ay nanininisi? Hindi naman, nataymingan lang na may napindot ang aking pagka-nature lover. Tuwang tuwa pa nga kami ng aking butihing asawa na pulutin at ilagay sa likod ng aking bag ang mga botelyang iniwan o hindi sinasadyang naiwan sa lugar at sa landas palabas ng Pinatubo. Nakarami rin kami ni es-mi. Gaya nang nakalagay sa kanang gilid ng blog na ito, Prawd na Pinoy kami nung mga oras na iyon. Feel na feel namin ang pagiging one with nature namin hehe. HHWW pa nga kami ni misis habang naglalakad while cramping on the side.

Sana lang sa next time at ito ay habang meron pang next time, inumin na rin ang bote kung kakalimutan din lang. Joke pero seryoso.

Salamat...


[o]

Friday, July 2, 2010

The Black Pencil Project

[o]

Who does not want to be an advocate of something good for a change? Even the most dreaded criminal must be thinking of doing something good for others once in a while. I guess that is a fact. People has, even in the most unlikeliest one, a few inch of goodness in him to care for others.

I basically admire most those people who are not really powerful individuals but instead normal regular guys like us who are able to start sharing and helping in their own way. Such is the humble beggining of the advocacy group known as the Black Pencil Project.

It started when three photography hobbyist climbed Banaue primarily to get photographs of the landscape and its people. However since it is the start of the school season they brought along a bunch of black pencils to be given to the small kids that they know they will meet in the area. This small step became their initiation to better understanding their roles in the community. It was on that day, "humbled by the warm hospitality of people of Banaue, that they realized the shared value of social responsibility and vowed to continue the effort in their own little way."

Through the help of friends and different online social media, their advocacy grew from a movement of three people to a collection of different people in the society. From photgraphy clubs, to mountaineering organizations, private individuals and tourists alike.

There are a lot of ways to help. One could just literally send in a pencil and that will be counted as a great assistance already. Others tend to adopt-a-box for companies and other institutions abd be returned filled with school supplies. providing cash donations will also help. The more adventurous individuals can be sherpas that will help carry the items to be distributed to the target community. Normally the objective communities are in far flung regions so one is expected to shell out his or her own transportation fees and at least be able to walk long distances and climb steep terrain. Corporate partnerships are very much welcome.

As for me, I am reblogging this. I hope I am able to help by doing this. And I hope a lot of people will be able to read this also. Maybe this will help in making them realize that they too can do something on their own by helping the Black Pencil Project or by doing something else on their own. I am also trying to make contact with a local group in my hometown right now. Who knows, maybe we can adopt one box.

To learn more about the Black Pencil Project, you can visit their website blackpencilproject.org or click here.

Tuesday, June 29, 2010

The Meloto Mindset

[o]

“I can do more for the country by not being a Cabinet official”!

Wow! And I mean another, "HUWAW"!!!

It is not every day that we will hear such statements, but yes we did! This is the exact pronouncement of Mr Tony Meloto, one of the founders of Gawad Kalinga. You see, he was offered a Cabinet post by our new President and he declined it exactly for the very reason stated above. He can do more for his country without getting a public post. Sorry, but I have to say another "WOW!!!!" to that!!!

This is in total contrast to what we always hear from our politicians. When ask why they are running for public posts, they will always exclaim that it is so that they can help the poor. I always thought that this is farce and with these kind of statements alone, I find myself rooting for them to lose. Unfortunately, that is not always the case.

Sigh... If only Pacman, and all other individuals who are already considered movers of the society can have the same state of mind, surely they will make wonders for the country. The new President himself is in that position already, given the resources that he and his family already have. But no, because in the context of Philippine politics, the child should inherit his parents political position. In this case he gave more weight to the Philippines natural political tradition : Trapoism.

This now makes me ask, Are these guys really becoming more helpful by merely taking in public posts? I tried to look for any studies regarding this but did not find one.

I tend to believe however that Mr Meloto is spot on correct on his decision. And because he declined the post and ultimately did not give in to temptation of having almost an absolute power in our society, I find him to be one of the most honorable Filipino we have in the country. Mabuhay ka Ginoong Meloto! Sana ay dumami pa ang kagaya mo!

Friday, September 5, 2008

IT Opportunities : Philippine Jobs : Philippine Careers

::

A global investment house is seeking for qualified individuals to join and strengthen their team in Manila. The client is a diversified international provider of banking, financial, advisory and investment services headquartered in Australia.

Operational Service Analyst - ITS – Manila
UNIX Administrator - ITS – Manila
Senior UNIX Administrator - ITS – Manila
Front Office Monitoring Analyst
Senior Test Analyst
Security Administrator - ITS – Manila
Systems Operator – ITS – Manila
.Net Developer
DMA Team QA Analyst
Algorithmic Trading Technology Team QA Analyst
Back Office Testing Team Analyst


Interested parties may send their updated CV at efabia@artemis-ra.com


You could leave a comment on this post for your inquiries...

Thursday, August 21, 2008

Advocacy: Smoking is Dangerous to Your Health


::


From this moment on, I plan on making this my personal advocacy. To influence as many people as possible, especially the people I know to stop smoking.


I tried smoking before, albeit briefly. It was never really a habit or an addiction for me. It was because of the people around me. Sometimes you have to do things just because your friends do so also. Well, I was young back then and I thought that that was the way to go. Good thing I met my future wife, and I stopped.


It is not really hard to stop smoking. It is just a matter of taking your mind to the right concept of how you are going to be able to show others that you have control of the things you do.


Take for example my dear father. He was an addictive smoker back in the days. He is able to take that bad habit away. From a tiny-thin man, my father became bigger. People who knew him before were always amazed at how much my fathers physique changed. It is all because he stopped smoking. He is healthier and more full of life.


I will be posting more about this advocacy in the future. Less smokers, less sorrow, less death.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...