read the printed word!
Showing posts with label office stories. Show all posts
Showing posts with label office stories. Show all posts

Sunday, June 12, 2011

May Nag-Text!!



[o]

May Nag-Text!!??????

Hindi ito galing sa isang palabas sa telebisyon na hindi ko na lang babanggitin ang pangalan.

Galing ito sa butihing company nurse namin nang may matanggap silang teksto (text nga, slow!) mula sa isang empleyado. Kaagad na naging viral ang kwento uko sa nabanggit na text. Ang bilis kumalat eheheh. Hindi na binaggit pa kung sino ang nagpadala ng mensahe for privacy purposes nga naman. Pero talagang nakakapagpa-smile na merong empleyado na magpapadala ng ganitong message nung lumalakas ang bagyong Dodong.

Here goes:



Sa katotohanan, wala naman talagang masama sa ginawa ng ating kasamahan sa trabaho. Nagtatanong lang 'ika nga.

Mas nakakatuwa ang sagot nila sa nagtext...

"Ahhmmm.. Sino nga pala ulit class adviser mo?"

Hehehe! YUNA!

[o]

Wednesday, June 8, 2011

REVELATOR ELEVATOR



[o]

Isang hindi payat na babae ang kasabay kong pumasok sa entrada ng gusaling aking pinapasukan. Siya ay hangos na hangos na animo'y talagang nagmamadali. Sumimangot pa sa sekyu nang pakiusapn siyang buksan ang dala-dala niyang bag na may baliktarang letrang C ang logo. Sabay satsat, "Tsk!"

Tagaktak ang pawis na maya't maya niyang pinupunasan ng panyolito, kasabay ko rin siyang naghintay sa isa sa pinakaimportante at walang kupas na imbensyon ng ikalabingsiyam na siglo... The Elevatorrrrr.

Panay ang tingin ng kasabay kong babae sa kanyang relos. At sa kada taas ng kaliwa niyang braso upang tingnan ang oras may tumutunog na "Tsk!". Halatang late na ang naturang paksa ng talatang ito. Makailang beses pa siyang tumingin sa relos niya na nung nagtagal ay para nang ritmo ng relos ang kada "Tsk!" niya.

Muntik ko na siyang tanungin, "Miss, isa ka bang butiki?".

Buti nakapagpigil ako kung hindi ay baka natamasa ko na ang bagsik ng mamahaling bag sa aking mukha. "At least Chanel", isip-isip ko na napapangiti.

Kapag medyo minamalas-malas lang tong si Ate, nagkataon na alas-nueve rin ang labasan ng mga nagtatrabaho sa mga call center na meron sa ikalima hanggang sa may ikalabing dalawang palapag ng building. Naturalmente pa, sobrang tagal ng pagbaba ng elevator.

Di ko rin alam kung bakit ganoon. Sa tuwina na lang na out-of-the-office at uwian na itong mga empleyado sa nasabing mga kumpanya, kailangang huminto ng elevator sa kada palapag.

Me pagkakataon pa na huminto ang elevator sa isang palapag pero walang sumakay nung makitang me lamang tatlong tao sa loob. Ayaw pa ng may sakay na iba? malaking abala sa buhay ng iba ang mga damuho.

Lesson that they should learn: Ang taxi po ay pahalang ang takbo at hindi akyat-manaog sa buildings.

Balik tayo kay Ate. Eto nga at inip na inip na siya. At sa wakas nagsalita rin siya nang salitang tao bagaman at may lizard slang pa rin sa hulihan. Gigil na gigil na si Ate.

(basahin mo ito na nanggigigil at malalaman mo ang itsura niya)

"Uhhhhhh ano baaaahhhh? Ang tagal namaaannnnn!!!" sabay "Tsk!"

May papikit-pikit pa ng mata. Naging kapansin-pansin na rin sa ibang naghihintay ang pagiging kakaiba ng pasensya ni Ate. Lahat nakatungo pero kita mong madalas pumapasyal ang mga mata sa nagdadabog na paa ni ate. Hindi ko alam kung kagaya ko silang mga tsismoso rin o nag-iingat lang sila at baka maapakan ng parang sibat na takong na suot nito.

At sa wakas matapos ang siguro ay may limang minuto naming paghihintay... "DING!"

Bumukas ang tarangkahan ng elevator na magdadala sa amin palapit sa langit. Maingay. Mukhang mga bagong gradweyt ang mga sakay. Inglisan nang inglisan.

Si Ate di na talaga makahintay, nagsimulang umabante. HARANG!!!

Wala siyang nagawa umurong ng konti. At pilang parang langgam na lumabas ang mga batang isip na ang akala sa elevator ay playground. Siksikan na nga nagtutulakan pa.

May isa pang palabas pero sugod na si Ate pagpasok at pumindot ng numero. Sumunod na rin lahat pagkatapos niya. Ako pinindot ko ang 13. Oo, sa malas na floor ako kumukuha ng suwerte.


Tsismosong mga mouse...


Sumarado ang pinto. Pero wala pang 3 segundo may tumunog na "DING!!!". Nakulili ang tenga ko.

"2nd floor pa lang ah...", sabi ng isip ko. Nagsalubong kilay at tiningnan ang mga kasabay.

Nak nang putahe! Si Ate!!!

Nagmarakulyo ang utak ko. Second Floor lang pala kung makagawa ng scandal sa baba!!! Sampung baitang lang meron ang hagdan manang!!!

May bumulong na kasabay sa elevator, "Kaya ka tumataba... Tamad!"

Haaaaay piece of mind...

[o]

Sunday, May 29, 2011

Lunes 'Takte

[o]

"Naku na naman!", yan ang aking nabigkas nang makita ko ang pay slip. Alam ko na kung bakit parang kulang ang sweldong pumasok sa ey-ti-em. "Yari sila sa akin!" pag ganitong nagmahal ang ensaymada sa paborito kong tindahan eh wag silang sasagot ng pabalang.

Pagdating ko sa opisina ng akawnting hindi nga nila ako sinagot ng pabalang. Inunahan na kaagad ako ng salita ng ulo ng mga maling magkompyut.

"Oh John... I am really sorry. We failed to add this and that to the computation of your salary for this month. I-add na lang namin sa sunod na pay period mo."

Alam na pala nila na may issue ang sweldo. Di man lang ako mainform through email o kahit ano pa at nang hindi na iinit ang ulo ko. Pinagod pa ko ng paglakad punta sa opisina nila.

Tapos sasabihin sa kin na i-add na lang para sa next payroll. E pano ang mga bills ko na dapat bayaran ko ngayon? Nak nang tipaklong.

"Can't you credit it to my account right away? I need them now for my bills."

Wala rin. Pasensya na raw, talaga lang na busy sila ngayon. Dito ako nabagot dahil nung papasok ako kita ko ang isa nilang staff na naka-open ang fb. Pero I stayed cool. May araw din kayo.

To make it short sa susunod na payout na lang raw yung kulang sa sweldo na pinaghirapan ko. Hindi ko alam kung pano pa nagkakamali ang computation e kompyuter na nga ang nagkokompyut para sa kanila. Tamad lang talaga ang mga tinamaan ng magaling!

Pagbaba ko sa aking munting sulok sa opisina. Nakita ko ang network switch. Port number 17, may label na accounting.



Ay naku nahugot bigla!!! (grin)

Wala pang isang minuto. Nag-ring ang telepono sa tabi ko. Si Ms pa-ingil-inglis ang nasa linya.

"John we lost our internet connection... can you help us please?"

"Mam sa sunod na pay period na lang rin po, pwede?"

Read more magtiblogz
[o]
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...