Gone to the John
Writing on thin air is what I used to do. And so as expected those things written on air have all been lost. Wish my little scribbling here will allow history to time stamp my thoughts...
Wednesday, September 5, 2012
The Adventures of Mang Mags (Ala Eh Story)
The Adventures of Mang Mags
Sa isang restaurant sa Eastwood, Libis.
Mang Mags: Waiter! Bigyan mo nga akong isang kanin,chicken at saka pasibol?
Waiter: Sir, ano po yung pasibol?
Mang Mags: Utoy, pasibol ga'y di mo alam? Ang pasibol utoy ay ayung parang mga maliit na ulo-ulo pero kulay dilaw. Mas kapiranggot nga laang ng kaunti.
Waiter: Sori po. Di ko po naiintindihan. Ulo po ng ano yun?
Mang Mags: Ah ay di ika'y di nakain ng pasibol? Ay pag sa sarap nuon pag nakababar sa suka. Tatanungin mo ako kung anung ulo-ulo? Ay di tadpol! Ay kainaman naman eh. Gusto pa'y iniinglis. Sino gang ekspert diyan sa inyo sa pagkain at siya kung kakausapin. Wala ka namang kabunasang kausap eh.
Waiter: Sandali po. Tatawagin ko ho si Chef.
Mang Mags: Ingles ka pa eh, bisaya ka naman pala. Chief utoy, chief. Hindi Chef.
Waiter: Hindi po Chef po.
Mang Mags: Wag ka nang magyangor at tawagin mo na laang si Chief.
Chef: Yes sir. How can I help you?
Narine ang pasibol!!!
Photo above is not mine. Found the photo from this site.
Chef: We really apologize. Ano po ba ang pasibol?
Mang Mags: Ay juskupow rudy! Ulo-ulo nga!!? Iyong beybing palaka!!!? Maalam ka ga sa science? Alam mo ang druwing ng sperm? Ayong parang gay-on?!?!? Ay tawarin naman eh. Ay ayaw ko na. Kayo namay gay-an. Tanggal tanggal nga iyang iyong sambalilong iyah. Kita mo nang kadaming nakain eh, ika'y nakagay-an pa?!?!! Ang pagkabastyan mo ga!
Friday, July 15, 2011
Just one day, in those shoes...
Thursday, July 14, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)